Agad na pinakilos ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga lokal na pamahalaan sa mga lalawigan na tatamaan ng Bagyong Leon na paigtingin ang kanilang information campaign.
Ayon kay OCD Executive Director Usec. Ariel Nepomuceno, mahalaga ang papel ng mga LGUs sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa kanilang nasasakupan para maging handa sa epekto ng bagyo.
Kasama rito ang posibleng panganib na dala ng bagyo tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa para maiwasan ang pagkalagas ng mga buhay.
Sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), apat na rehiyon sa bansa sa inaasahang tatamaan ng Bagyong Leon, kabilang ang Gitnang Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol region.
Kung maaalala, Lunes pa lang ay ipinag-utos na ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mandatory evacuation sa mga lugar na natukoy na high-risk sa Bagyong Leon.