OCD, nagpaalala hinggil sa mga dapat gawin kapag may volcanic eruption

Kasunod ng nangyaring pagputok ng Bulkang Kanlaon kagabi, June 3, 2024.

Nagpaalala ang Office of Civil Defense (OCD) hinggil sa mga dapat gawin ng mga apektadong indibidwal.

Una, kinakailangang lumayo mula sa mga danger zones at agad na lumikas sa ligtas na lugar o mga itinakdang evacuation center.


Asistehan din ang mga nakatatanda, bata, may kapansanan at buntis sa paglilikas.

Takpan ang ilong at bibig at magsuot ng goggles kung kinakailangan.

‘Wag ding kalilimutang iligtas o ipasok sa mga tahanan ang inyong mga alagang hayop upang hindi nila malanghap ang abo at lumayo sa ilog dahil sa posibleng lahar flow.

Una nang itinaas na ng OCD – National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Blue Alert ang status sa Negros Occidental kasabay na rin nang patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Facebook Comments