
Agad na naghatid ng tulong sa mga lugar na matinding sinalanta ng kalamidad ang mga kawani ng Office of Civil Defense (OCD).
Sakay ng C-130 at Black Hawk aircraft, naipadala na ng OCD sa Ilocos Norte, Batanes at Calayan ang mga family food packs, medical supplies at bottled water mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).
Personal na pinangunahan ni OCD Assistant Secretary Henry Robinson Jr., kasama ang iba pang opisyal at tauhan ng pamahalaan ang pag-asikaso at pag-abot ng ayuda.
Samantala, nagpadala rin ng mga non-food items gaya ng family packs, shelter repair kits, tarpaulins at jerry cans sa lokal na pamahalaan ng Valencia City, Bukidnon para sa mga pamilyang naapektuhan naman ng biglaang pagbaha.









