COURTESY: Civil Defense CARAGA

Nagpamahagi ang Office of Civil Defense (OCD) CARAGA ng mga shelter repair and hygiene kits na ipinadala sa Biglig City at sa munisipalisad ng Lingig, Surigao del Sur.

Ito ay para sa mga pamilyang nasira ang kanilang mga kabahayan dulot ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Davao Oriental.

Kung saan naapektuhan din ang ilang parte ng rehiyon ng CARAGA.

Ang nasabing pamamahagi ay parte ng humanitarian assistance ng OCD katuwang ng mga local government units para tulungan ang mga naapektuhang pamilya na makabangon at makapagpatayo muli ng kanilang matitirhan.

Facebook Comments