OCD, nagpasaklolo sa NBI laban sa mga scammer na gingamit ang pangalan ng ahensya sa panloloko

Humingi na ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng ahensya sa mga iligal na transaksyon.

Binalaan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang publiko na huwag makipag-transaksyon sa mga grupo o indibidwal na nag-aalok ng serbisyo sa pagpoproseso ng mga dokumento sa ahensya.

Partikular dito ang may kinalaman sa agency procurement at National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) funding applications.


Kasunod nito, binigyang diin ni Nepomuceno na ang lahat ng transaksyon o pagre-release ng mga dokumento ay pinoproseso lamang ng kanilang official channels at authorized personnel.

Hinikayat din nito ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang mga kahina-hinalang transaksyon.

Facebook Comments