OCD, nagpayo sa publiko ngayong summer season

Ngayong napaka-init ng panahon, pinag-iingat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko dahil sa posibleng heat stroke.

Payo ng OCD, manatili na lamang sa mga tahanan kung wala namang importanteng lakad.

Kung nasa labas naman iwasan ang direktang exposure sa araw at sumilong sa malilim na lugar.


Mas mainam din na magdala ng payong, pamaypay at ugaliin ang pag inom ng tubig para maiwasan ang dehydration.

Pagdating naman sa pagkain, sinabi ng OCD na dapat iwasan ang mga pagkaing mayaman sa protina tulad ng karne at dairy products dahil pinapataas nito ang metabolic heat ng katawan.

Samantala, pinapayuhan din ng OCD ang publiko na magsuot ng maninipis at light coloured na mga damit.

Facebook Comments