OCD, nagsagawa ng command conference para pag-igtingin ang kahandaan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna

Nagsagawa ng command conference ang Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni Administrator Undersecretary Harold Cabrerros, para talakayin ang pagpapalakas ng pagtugon ng pamahalaan sa mga sakuna sa bansa.

Matatandaan na sunod-sunod ang mga sakunang naranasan nitong mga nakaraang linggo na nagdulot ng malaking pinsala sa mga tao, imprastraktura at lugar.

Sa nasabing conference, nagbigay si Cabrerros ng seven-point resilience agenda kung saan kabilang dito ang pagrerebyu sa mga operational activities na isinagawa noong mga nakaraan ng ahensya.

Layon ng nasabing pagrerebyu na paghusayin ang kanilang gagawing mga operasyon sa susunod.

Dagdag pa nito, pag-iigtingin din ng ahensya ang pakikipag-ugnayan sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at sa iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kaugnay nito, nagbigay na rin ng direktiba ang OCD para alamin ang mga naging hamon sa pagtugon sa sakuna para ito ay maiayos at agad na masolusyunan sa hinaharap.

Facebook Comments