OCD, nagsasagawa ng pulong balitaan hinggil sa paghagupit ng Bagyong Opong

Nagpapatuloy ang press briefing ng Office of Civil Defense (OCD) hinggil sa update sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Opong.

Isa sa nagbigay ng update ay si OCD MIMAROPA Regional Director Mark Victore kung saan as of 2pm nasa 1,267 barangays sa Oriental Mindoro at Occidental Mindoro ang apektado kung saan nasa 2,481 pamilya o katumbas ng mahigit 8,000 katao ang naapektuhan.

Sa nasabing bilang, 1,939 pamilya ang nasa evacuation center habang ang nasa halos 400 pamilya ay mas piniling makituloy sa kanilang kaanak.

Samantala sa ulat ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor sinabi nitong nararanasan ang malakas na hangin sa lalawigan.

Baha na rin sa Bulalacao, Oriental Mindoro at maraming puno at poste ng kuryente ang nabuwal sa Socorro.

Natanggal din aniya ng buo ang kanilang sports complex dahil sa lakas ng hangin.

Sa ulat naman ni Occidental Mindoro Gov. Ed Gatiano sinabi nitong ramdam nila ngayon ang bagsik ng Bagyong Opong kung saan wala ng kuryente sa buong lalawigan.

Nasa ₱4.5-M din aniya ang inisyal na pinsala ng bagyo.

Sinabi naman ni Batangas Gov. Vilma Santos na handang-handa na ang buong lalawigan ng Batangas sa posibleng pagtama ng bagyo mamayang gabi.

Naka-Red Alert aniya ang buong lalawigan at nakapagsagawa na sila ng preemptive at force evacuation sa mga tinaguriang high risk areas.

Facebook Comments