Gagawa nang paraan ang Office of Civil Defense (OCD) sakaling magkaroon ng problema o maging pahirapan ang pagbibigay ng tulong sa mga lugar na maapektuhan ng Bagyong Betty.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Diego Agustin Mariano, ang Joint Information Center Head ng Office of Civil Defense na nakahanda ang OCD at lahat ng ahensya ng gobyerno para sa sitwasyong ito.
Mahalaga sa ngayon ayon kay Mariano, naka-prepositioned na ang mga relief items para mabilis na maipapamahagi kahit sa mga liblib na lugar na maapektuhan ng Bagyong Betty.
Nakahanda na rin aniya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pag-clear ng mga dadaanan para mabilis makapunta sa mga mangangailangan ng tulong.
Magagamit din ayon kay Mariano ang mga air assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para mabilis na makapaghatid ng tulong sa mga isolated areas.
Inutos na rin daw ng OCD sa kanilang mga tauhan na ipagpaliban ang mga bakasyon o break dahil naka-alerto ang kanilang ahensya para mapaghandaang ang epekto ng Bagyong Betty.