OCD, nakatutok sa aktibidad ng mga bulkan sa bansa

Mahigpit na mino-monitor ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga bulkan sa bansa.

Ayon kay Civil Defense Administrator at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ariel Nepomuceno, patuloy ang ugnayan nila sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.

Ani Nepomuceno, inatasan na nya ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Office at kanilang regional civil defense offices na maghanda sa anumang posibilidad saka-sakaling lumala ang pag-aalburuto ng mga bulkan.


Partikular na pinatutukan ng OCD ang Bulkang Mayon na nakataas sa Alert level 2 at Bulkang Taal na nasa Alert Level 1.

Paliwanag ng opisyal, bagama’t wala pang major eruption na nakikita sa dalawang bulkan base sa mga bulletin ng PHIVOLCS, mandato nilang maglatag ng mga plano at hakbang para maiwasan ang mga pinsala at pagkasawi ng buhay.

Facebook Comments