OCD, namahagi ng 97 libong antigen test kits sa NCR Plus

Namigay ang Office of Civil Defense (OCD) ng 97 libong antigen test kits sa 45 ospital at Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) Plus bubble.

Layunin nitong mapabilis ang mass testing at contact tracing ng mga posibleng infected ng COVID-19.

Nagsagawa rin ng training sa pamamgitan ng Zoom kahapon ang OCD sa mga health worker ng mga ospital at LGU na nakatanggap ng test kit.


Ang pondo sa mga biniling test kits ay mula sa quick response fund ng OCD na pinahintulutan ng Resolution No. 108 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Sa pamamagitan ng resolusyon binibigyan ng awtoridad ang OCD na bumili ng 500 libong antigen test kits na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang mga COVID-19 antigen test kits ay dinala sa Camp Aguinaldo kamakailan.

Facebook Comments