Nananatili sa blue alert ang status ng Office of Civil Defense (OCD) habang tumutugon sa mga pangangailan ng mga rehiyong apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Director Edgar Posadas, saklaw ng blue alert ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NRRMC) Operations Center sa Camp Aguinaldo at ang kanilang mga Regional Offices sa Region 6 at 7.
Ani Posadas, ang blue alert status ay nangangahulugang 50% ng mga tauhan at kagamitan ng OCD ang handa para sa agarang deployment.
Sa pinaka huling tala ng NRRMC nasa mahigit 8,000 pamilya o katumbas ng 29,739 indibidwal ang apektado kasunod ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan.
Nasa mahigit P11 milyon halaga ng tulong naman ang naibigay na ng pamahalaan sa mga apektado.