Umaapela ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na huwag ipagsawalang-bahala ang mga panganib na dulot ng Shear Line.
Ayon kay OCD Administrator, USec. Ariel Nepomuceno, dapat makinig ang publiko lalo na yung mga nakatira sa high-risk areas sa mga babala mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Mines and Geosciences Bureau (MGB), at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)-OCD.
Aniya, nakasalalay sa pakikiisa at pagiging alerto ng publiko ang kanilang kaligtasan.
Ang Shear Line ay bunga ng pagsasalubong ng malamig at mainit na hangin na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan na nagreresulta naman sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa.