OCD: Patay sa hagupit ng Bagyong Aghon, umakyat na sa anim

Anim na indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa hagupit ng Bagyong Aghon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Office of Civil Defense Spokesperson Director Edgardo Posadas na isa pa lamang ang kumpirmadong patay habang vine-verify ang limang iba pa.

“Sa ngayon, isang confirmed na nasawi, 14 year old na bata sa Misamis Oriental -reported by our regional office in northern Mindanao pero mayroon 5 bina-validate ngayon pls bear with us kais kailangan masiguro na ang kanilang pagkamatay ay attributable sa bagyo .”


Dagdag pa ni Posadas, nabawasan na ang bilang ng mga nasa evacuation center dahil bumabalik na aniya ang mga ito sa kanilang mga tahanan.

“Mayroon na lang tayong 161 na evacuation centers in place, ito ay sa limang rehiyon -NCR, CALABARZON, MIMAROPA Region V, VII,VIII. So from 396, mayroon na lang tayong 161, catering to 4,076 na pamilya o 16,426 na mga indibidwal.”

Habang sa pinakahuling datos naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 12, 436 na pamilya o katumbas ng 36, 143 mga inidbidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Samantala, aabot naman sa 1.7 million customers ng Meralco ang pansamantalang nawalan ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyo.

Pero ayon sa Meralco, sa ngayon ay nasa 17,000 na lang ang wala pa ring kuryente.

Facebook Comments