OCD, patuloy sa isinasagawang damage assessment hinggil sa nangyaring magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidentel kahapon

Nagpapatuloy sa isinasagawang damage assessment ang Office of Civil Defense (OCD) hinggil sa nangyaring Magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental kahapon.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Deputy Spokesperson Mark Timbal, on-going pa ang damage assessment ng mga lokal na pamahalaan sa Mindanao upang mabatid kung ilan talaga ang casualties, mga nasirang imprastura, halaga ng pinsala ng lindol at iba pa.

Posible aniyang matapos ang consolidated reports ngayong araw at agad naman nilang isasapubliko ang mga datos.


Ayon sa inisyal na impormasyon, 1 ang nasawi sa malakas na pagyanig kahapon na mula sa Brgy. Butuan Jose Abad Santos Davao Occidental.

26 na mga imprastraktura ang nasira kabilang ang mga paaralan, government facilities, health facilities, mga tulay at private establishments kung saan 38 mga tahanan din ang napinsala mula South Cotabato, Davao Occidental at Davao Oriental.

Nagkaroon din ng power interruption sa 19 na mga bayan at siyudad sa Davao Occidental, Davao del Norte, Davao del Sur, Sultan Kudarat, South Cotabato at Saranggani kung saan ang ilan dito ay naibalik na ang suplay ng kuryente.

Facebook Comments