OCD, pinag-iingat ang publiko sa posibleng aftershocks na maramdaman

Kasunod nang tumamang magnitude 6.7 na lindol kagabi sa Abra, pinag-iingat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko sa posibleng aftershocks na maaaring maramdaman.

Ayon sa OCD, dapat nakatatak na sa isip ng publiko ang mga dapat gawin kapag lumilindol gayundin kapag tapos na ang lindol.

Kabilang dito ang pagsusuri sa sarili kung mayroong tinamong pinsala, huwag agad babalik sa gusali o tahanan pagkatapos ng pagyanig.


Dapat ding suriin ang mga linya ng tubig at kuryente gayundin ang tangke ng gas.

Paliwanag pa ng OCD na mahalaga ang pakikibahagi sa earthquake drill para alam ng publiko ang mga gagawin kapag tumama ang lindol at hindi unahan ng panic o pagkataranta.

Samantala, sa ngayon patuloy pang nagsasagawa ng damage assessment ang OCD hinggil sa pinsalang iniwan ng magnitude 6.7 na lindol na tumama kagabi sa Abra kung saan naramdaman din ito sa malaking bahagi ng Northern Luzon.

Facebook Comments