Pinaghahandaan na ng Office of Civil Defense (OCD) ang worst case scenario sa magiging epekto ng Bagyong Leon sa bansa.
Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, tinatayang 500,000 pamilya o katumbas ng 2.5 milyong indibidwal ang maaapektuhan ng bagyo.
Ganito aniya karami ang dapat paghandaang matulungan.
Kasunod nito, tiniyak ni Nepomuceno na nakahanda ang OCD sa pagrespunde sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga non-food items habang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sa preprasyon ng family food packs at inuming tubig.
Nauna nang ipinag-utos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang pagsasagawa ng force evacuation sa mga lugar na posibleng labis na maapektuhan ng Bagyong Leon.
Ang kautusang ito ay layong tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa mga rehiyong tatamaan ng malakas na ulan at hangin dulot ng bagyo.