OCD, pinaigting ang paghahanda sa pagdating ng La Niña ngayong disyembre sa Western Visayas

Pinaigting ng Office of Civil Defense (OCD) Region 6 ang paghahanda nito sa pagdating ng La Niña ngayong Disyembre sa Western Visayas.

Kung saan inaasahang magdadala ito ng above-normal na pag-uulan at pagbabaha sa mga lugar.

Ayon kay OCD Region 6 Director Raul Fernandez, ongoing ang isinasagawang inspeksyon, equipment check at rescue trainings para masiguro na ang lahat ng mga local government units ay nakahanda sa nasabing paparating na La Niña.

Bukod dito, naka-preposition na rin ang mga rescue boats at gear habang patuloy ang pagsasanay ng mga magreresponde sa municipal at barangay levels.

Samantala, hinimok naman ni Fernandez ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na palakasin ang barangay disaster teams at ang paglagay ng sapat na disaster funds.

Kaugnay nito, nanawagan din ang OCD na maging vigilante, maagang magplano at makipagcoordinate para mabawasan ang magiging epekto ng La Niña.

Facebook Comments