OCD, planong palawakin pa ang umiiral na permanent danger zone sa Bulkang Kanlaon

Plano ng Office of Civil Defense (OCD) na itaas sa sampung kilometro ang anim na kilometrong Permanent Danger Zone ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa OCD, dahil ito sa posibilidad ng lahar flow dala ng mabigat na pag-ulan sa bisinidad ng Bulkang Kanlaon.

Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS at ng weather bureau ng PAGASA ang aktibidad ng bulkan at ang lagay ng panahon bago sila magbigay ng rekomendasyon.


Ipinahayag naman ng lokal na pamahalaan ng La Castellana Negros Occidental ang kanilang pangangamba kung sakaling matuloy ito dahil madadagdagan pa ang mga evacuees.

Sa huling monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala ang bulkan ng dalawampu’t dalawang volcanic earthquakes.

Kung sakaling palawakin ang sakop ng PDZ ng bulkan, siyam na karagdagang barangay ang masasakupan nito.

Facebook Comments