OCD REGION 1, NAKA-BLUE ALERT STATUS NA; PANGASINAN PDRRMO, NAKAHANDA NA

Nakataas na sa blue alert status ang Office of the Civil Defense Region 1 bilang paghahanda sa pagpasok ng binabantayang LPA na inaasahang magiging si Bagyong Bising, at ang paglinang nito sa hanging habagat.

Sa buong rehiyon aabot sa 55 libong pamilya sa 243 na barangay ang at-risk at pinayuhan nang maghanda bago pa man ito tumama.

Ayon kay OCD Ilocos Regional Director Laurence Mina, ang mga inilalabas na rainfall warnings ng PAGASA ay naglalagay sa mas mataas na vulnerability ng mga natural na hazard sa rehiyon.

Dahil sa mga nagiging pag-ulan noong nakaraang araw, saturated na ang lupa kaya kung magtutuloy-tuloy pa ang ulan, mataas na ang tsansa na magkaroon na ng pagbaha at landslides.

Nakaantabay naman na ang member-agencies ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office para sa pag-asikaso ng aabot sa 55,540 na pamilya na posibleng maapektuhan. Dahil dito, handa na ang higit 76k na family food packs.

Sa Pangasinan, nakapropesyon na ang mga search-and-rescue teams at nagpulong na rin para sa mga planong isasagawa sakaling kailanganin ang kanilang puwersa.

Ngayong araw, July 4, 2025, isinailalim ang probinsya sa ilalim ng orange heavy rainfall warning. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments