Nakahanda ang Office of Civil Defense (OCD) saka-sakaling lumala pa ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Civil Defense Administrator and National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno, nakaabang na ang mahigit P1.3 billion halaga ng tulong para sa mga maaapektuhang residente.
Aniya, may pondo ang pamahalaan para sa pambili ng mga pagkain, hygiene kits, tubig at iba pang pangangailangan ng mga ito.
Sa oras na itaas sa Alert Level 4 ang Bulkang Mayon ay posibleng palawigin na rin sa 7km mula sa umiiral na 6km radius permanent danger zone.
Ibig sabihin, mas marami pa ang ililikas na residente na maapektuhan sa oras magkaroon ng hazardous eruption.
Facebook Comments