OCD, tiniyak ang maayos na pagsasagawa ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction

Activated na ang Emergency Preparedness and Response Protocols para matiyak ang maayos na takbo ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) ngayong araw na tatagal hanggang October 18, 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), kasama nila sa ahensyang mangunguna rito ang National Capital Region Police Office (NCRPO), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).

Katuwang din nila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pangangasiwa ng trapiko dahil sa libo-libo ang inaasahan nilang dadalo sa ministerial conference.


Samantala, kanina nagsagawa ng inspeksyon si Civil Defense NCR Director George Keyser at Department of Health Undersecretary Gloria Balboa sa medical clinic ng PICC na siyang venue para sa conference.

Layon ng conference ang pagtalakay sa disaster risk challenges na kinahaharap ngayon ng Asia-Pacific Region at kung paano ito aaksyunan.

Facebook Comments