Oct. 26, 2017- Higit isang-daang polis mula Marawi City, pinarangalan sa Police Regional Office-10- Lovelyrose Sambaan

Higit isang-daang polis mula Marawi City ang pinarangalan kahapon sa Police Regional Office-10 Headquarters, Camp Alagar dito sa Cagayan de Oro.
Ayun kay PNP-10 Spokesperson Police Supt. Lemuel Gonda, may siyamnaput-siyam na non-officers at walong opisyal ng polis na kakauwi lamang galing Marawi City ang nakatanggap ng parangal.
Lima aniya sa mga ito ang sugatan sa bakbakan sa Marawi pero nakadalo naman ang mga ito sa isinagawang Heroes Welcome at Awarding Ceremony kahapon.
Paraan aniya ito ng pagsaludo sa mga polis na nakipaglaban upang maibalik ang kapayapaan sa Marawi.
by: Lovelyrose Sambaan

Facebook Comments