Oct. 30, ipinadedeklarang National Day of Thanksgiving and Prayer for Peace para sa Marawi

Manila, Philippines – Ipinadedeklarang special non-working holiday ng isang kongresista ang October 30.

Ito ay bilang National Day of Thanksgiving and Prayer for Peace para sa Marawi at buong Mindanao.

Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo, ito ay bilang pag-alala sa mga sakripisyo ng mga sundalo lalo na ang mga nagbuwis ng buhay nang dahil sa digmaan sa Marawi.


Mabibigyan din ng pagkakataon ang bawat Pilipino na bigyang parangal ang sakripisyo ng lahat ng sumabak sa gyera laban sa Maute group.

Dagdag pa ni Salo, kung magiging holiday ang October 30 ay ma-e-enjoy din ng publiko ang long weekend hanggang sa November 1.

Facebook Comments