Suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang pagpapalawak ng military cooperation ng Pilipinas at Amerika.
Sa “Tugon ng Masa” survey ng OCTA research lumabas na 54 percent ng mga Pilipino ang pabor na palakasin at palawakin ang Philippine – US military ties upang matugunan ang isyu sa West Philippine Sea.
11 percent ang hindi pabor habang 32 percent ang undecided.
May pinakamaraming suporta sa pagpapalawak ng ugnayang militar ng Pilipinas at US ay sa balanse Luzon, 56 percent at Mindanao, 59 percent.
Samantala, lumabas din sa survey na 58 percent ng mga Pilipino ang pabor sa pagpapalakas at pagpapalawak ng military cooperation ng dalawang bansa sa harap ng napakaraming external threats sa Pilipinas sa pangkalahatan.
Facebook Comments