OCTA, dumepensa sa arawang projection ng COVID-19 cases sa bansa

Iginiit ng OCTA Research Group na base sa siyensiya at hindi sa haka-haka ang kanilang pagtataya ng arawang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) Chairman Sergio Ortiz-Luis na nagdudulot lamang ng kalituhan ang inilalabas ng OCTA na pagtantiya ng COVID-19 cases.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, layon lamang ng kanilang inilalabas na projection na mapaghandaan at magawan ng mas maagang solusyon para hindi na umabot sa malalang sitwayson.


Sabi naman ni Dr. Beverly Ho, Director IV ng DOH-Health Promotion Bureau, walang mali sa pagbibigay ng pagtaya ng iba’t ibang grupo tulad ng OCTA Research.

Sa katunayan, nakakatulong pa nga aniya ang pag-aaral ng independent groups para maging basehan ng publiko.

Facebook Comments