OCTA, iminungkahing maghintay muna ng isa hanggang dalawang linggo bago magdesisyon kung ibababa na sa Alert Level 1 ang NCR

Mas ligtas na ang sitwasyon ngayon sa National Capital Region (NCR) kumpara noong Enero kung saan kasagsagan ng COVID-19 surge bunsod ng Omicron variant.

Sa kabila nito, nagpaalala ang OCTA Research Group na hindi pa dapat magpakampante dahil maaaring sumipa muli ang kaso dahil sa mga campaign activities.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Dr. Butch Ong sa gobyerno na maghintay pa ng hanggang katapusan ng Pebrero bago maglabas ng desisyon kung ibababa na ang NCR sa Alert Level 1.


“Remember, COVID takes about one week to two weeks incubation period bago siya ma-report sa Department of Health. So, yung political rallies, motorcades, etc. which happened last week, ngayong Friday pa lang lalabas sa data,” paliwanag ni Ong.

“Hi                           ntayin muna natin this Friday or perhaps until next Wednesday kung ano yung mga epekto ng political rallies and to determine if it is safe to go out already and if it is safe to decrease to Alert Level 1. For now, I recommend to wait until the end of the month before we decide,” aniya pa.

Dagdag pa ni ong, dapat na mapanatili sa 1,000 pababa ang kaso ng NCR para masabing ligtas nang magtungo sa “new normal.”

Bukod dito, dapat na mas mataas na rin ang vaccination rate hindi lamang sa NCR kundi maging sa Greater Manila Area.

Facebook Comments