Maaaring luwagan ng pamahalaan ang quarantine restrictions ngayong bumababa na ang kaso ng COVID-19, pero dapat gawin ito ng dahan-dahan.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang bilang ng kaso sa National Capital Region (NCR) ay bumaba na lamang sa 1,000 cases kada araw.
Bukod dito, bumaba rin sa 10-porsyento ang positivity rate sa Metro Manila habang nasa 0.56 ang reproduction number.
Kaya ang kasalukuyang sitwasyon sa NCR ay nasa “moderate risk”.
Pero sinabi ni David na bagama’t pwedeng luwagan ang restrictions sa NCR ay hindi pa rin pwedeng ibaba ang quarantine status sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) dahil posibleng maging mitya ito ng panibagong surge.
Kasalukuyang nasa GCQ ang Metro Manila at mga kalapit na probinsya hanggang katapusan ng Mayo.