OCTA, naglatag ng mga kondisyon bago alisin ang ‘mask mandate’

Walang nakikitang problema si OCTA Research fellow Dr. Guido David sa posibilidad na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng facemask, pero sa ilang kondisyon.

Una, dapat ay bumababa na ang kaso ng COVID-19.

Pangalawa, tumataas na ang COVID-19 booster coverage sa bansa at pangatlo, kung ipatutupad ito sa open o outdoor spaces.


Ayon pa kay David, lumalabas din sa survey ng OCTA na marami pa rin ang magsusuot ng face mask kahit alisin na ang mask mandate.

Para naman kay Dr. Butch Ong, dapat na pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang mga mungkahing hindi na gawing mandatory ang facemask lalo ngayon na may mga bagong Omicron sub-variant na naman na nadidiskubre sa ibang bansa.

Facebook Comments