OCTA, nanawagan sa pamahalaan na palakasin ang contact tracing laban sa Delta variant

Hinimok ng OCTA Research ang pamahalaan na palakasin ang contact tracing efforts dahil ito ang susi para mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa bansa.

Paalala ni OCTA Research Fellow, Molecular Biologist-Priest Rev. Fr. Nicanor Austriaco, ang taong may Delta variant ay kaya makahawa ng hanggang walong tao.

Bukod dito, dapat ihanda rin ang mga ospital, healthcare workers, at dagdagan ang supply ng gamot at oxygen.


Inirekomenda rin ng Fr. Austriaco ang pagpapatupad ng mahigpit na restrictions para makontrol ang surge.

Iminungkahi rin niya sa local government units (LGUs) na magpatupad ng localized lockdowns sakaling may presensya ng variant sa kanilang komunidad.

Dapat ding ihanda ng mga LGUs ang isolation at quarantine facilities.

Hindi pwedeng magpatupad ng home quarantine lalo na at mas nakakahawa ang Delta variant.

Facebook Comments