OCTA, naniniwalang hindi na babalik ang bansa sa panahon na nagpapatupad ng malawakang lockdown

156

Hindi na muling magsasagawa ang pamahalaan ng malawakang lockdown.

Ito ang personal na pagtaya ni Dr. Guido David ng OCTA Research Team.

Ayon kay David, malabo nang mag-lockdown muli ang malaking bahagi ng bansa dahil mayorya ng mga taga-National Capital Region at kalapit na lalawigan at ilang bahagi ng bansa ang bakunado na.


Kasunod nito, muling umapela ang OCTA sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na.

Napatunayan naman aniyang nakapagbibigay proteksyon ang bakuna at ang sinumang tamaan nito ay hindi mauuwi sa severe case o kamatayan.

Facebook Comments