OCTA, pabor na isuspinde muna ang pagbabalik opisina ng mga manggagawa

Pinare-rekonsidera ni Dr. Guido David ng OCTA research group ang pagbabalik opisina ng mga manggagawa.

Ito ay kasunod narin ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa NCR.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. David na dapat ipatupad pa rin ng mga employer ang flexi work arrangement upang mabawasan ang capacity ng mga opisina nang sa ganon ay hindi magkahawaan ang mga empleyado sakali mang tamaan ang mga ito ng COVID-19.


Praktikal din aniya ito lalo pa’t ngayong mataas ang presyo ng produktong petrolyo at mahal ang mga bilihin.

Samantala, hindi pa masabi sa ngayon ni David kung isa ang 100% capacity ng public transportation sa mga dahilan ng pagkakahawaan ng virus.

Aniya, basta’t naka facemask ang mga mananakay ay hindi naman ito maituturing na super spreader event.

Facebook Comments