OCTA, pinag-iingat pa rin ang publiko kahit maituturing na COVID-19 ‘low-risk’ na ang bansa

Umapela sa publiko ang OCTA Research Group na sumunod pa rin sa minimum health protocols matapos ituring ng Department of Health (DOH) na low risk na sa COVID-19 ang Pilipinas.

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Ranjit Rye, ang healthcare system ang tinutukoy ng DOH na low risk na sa COVID-19 at hindi ang mga tao.

Aniya, maaari pa rin namang mahawa ng COVID-19 ang isang indibidwal kung magpapabaya ito.


Hinikayat din ng grupo ang mga lokal na pamahalaan na sumunod sa national quarantine policy.

Kasunod ito ng banta ng Delta variant na maaaring magresulta sa isa pang lockdown o kakulangan ng oxygen supply.

Paliwanag ni OCTA Research Fellow at Molecular Biologist Fr. Nicanor Austriaco, kung ang isang indibidwal na may Delta variant ay umuwi ng bahay, maaari nitong mapasa ang virus sa kaniyang mga kasama.

Nabatid na dalawang beses na mas nakakahawa ang Delta variant kaysa sa Alpha variant.

Facebook Comments