OCTA, pinaghahanda ang lahat sa posibleng surge ng COVID cases

Iginiit ng OCTA Research Group na dapat maghanda sa posibleng surge ng COVID-19 cases sa harap ng pagtaas ng bilang ng daily infections sa Metro Manila.

Batay kasi sa monitoring report, ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) nitong July 15 hanggang 21 ay nasa 1.15, mataas ito sa 0.91 noong nakaraang linggo.

Ang average number ng daily new cases sa NCR ay umakyat din ng 27% o 813 cases kumpara sa 638 cases noong nakaraang linggo.


Hindi pa malinaw kung ano ang nagpapataas sa bilang ng bagong kaso, kaya mas mabuting mag-ingat ang lahat sa posibleng surge.

Kailangang ikonsidera ang pagpapatupad ng mahigpit na quarantine status, expanded testing, contact tracing at regional at localized lockdowns.

Inirekomenda rin ng mga eksperto na kailangang itaas ang restrictions sa NCR at bawasan ang kapasidad ng mga business establishments, pahabain muli ang curfew hours at huwag munang palabasin ang mga bata.

Hinimok din ang publiko na sumunod sa minimum public health standards, bawasan ang non-essential travel at social gatherings at magpabakuna sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments