Positibo ang OCTA Research Group na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng COVID-19 trend sa National Capital Region.
Ito ay upang maibaba na rin sa Alert Level 3 ang COVID-19 status sa Metro Manila at mabuksan na ng iba pang industriya.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye na sa ngayon ay nasa 0.81 na ang reproduction number sa NCR.
Habang nasa 16% naman ang positivity rate mula sa dating 25% at target na maibaba pa ito sa 10%.
Kaya payo ni Rye sa publiko, patuloy pa ring sundin ang mga umiiral na health protocols lalo na’t isa sa magiging batayan ng pamahalaan sa pagbaba ng alerto ay ang sitwasyon sa mga ospital sa Metro Manila.
Facebook Comments