OCTA research group, dumepensa sa pagkwestiyon sa kanilang credentials

Dumepensa ang OCTA research group sa tila pagkwestiyon sa kanilang credentials bilang isa sa nagbibigay ng rekomendasyon sa gobyerno pagdating sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Michael Tee na kwalipikado ang lahat ng kanilang miyembro mula sa mga propesor, doktor at ekonomista.

Kaugnay nito, iginiit ni Tee na nagkakataon lamang na nangyayari ang kanilang projections dahil sa mga datos na halos nagmumula rin naman sa Department of Health.


Inihalimbawa ni Tee ang mga COVID-19 surge na tumutugma sa mga naiitalang kaso at ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila na kanilang unang iminungkahi.

Matatandaang ilang mambabatas ang naghain ng resolusyon sa kamara na layong suriin ang mga kwalipikasyon at paraan ng pagresearch ng OCTA para umano matiyak na tama ang kanilang ibinibigay na impormasyon.

Facebook Comments