Hinikayat ng OCTA Research Group ang pamahalaan na ipadala muna sa Metro Manila ang mga medical frontliners na mula sa mga lugar na itinuturing na low-risk areas ng COVID-19.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) kung saan karamihan sa mga ospital ang puno na at hindi na kaya pang tumanggap ng mga pasyente.
Ayon kay Professor Ranjit Rye, maraming medical workers kagaya ng mga nurse ang interesado namang magvolunteer lalo na ngayong kinakailangan ng karagdagang manpower sa mga ospital.
Una nang nanawagan ang ilang ospital sa Department of Health (DOH) ng karagdagdang mga medical workers matapos na ilan sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.
Matatandaang noong Biyernes ay kinumpirma ng Philippine Orthopedic Center na 117 mula sa 180 nilang staff ang positibo sa virus dahilan upang pansamantalang isara ang kanilang Out Patient Department.