Nagpaalala ang OCTA Research Group sa gobyerno na istriktong ipatupad ang minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ay kasunod ng muling pagbubukas ng ilang establisyimento sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine kabilang na ang Metro Manila.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong na bagama’t kailangang magbukas na ang ekonomiya ay dapat pa ring mahigpit na sundin ang protocols.
Nakasalalay rin aniya ang posibleng pagtaas o pagbaba ng kaso kung patuloy na mag-iingat at magiging disiplinado ang publiko.
Una nang sinabi ng Malacañang na papayagan na ang pagbubukas ng ilang establisyimento kagaya ng mga sinehan at parke simula bukas, Pebrero 15.
Facebook Comments