OCTA Research group, nakikitang patuloy na bababa ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas habang papalapit ang holiday season; COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, bumaba na sa 13.9 percent!

Inaasahan ng OCTA Research Group ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng papalapit na holiday season.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, posibleng bumaba na lang sa 600 hanggang 700 na kaso ang maitala kada araw sa bansa.

Batay rin sa kaniyang tweet, bumaba na sa 13.9 percent ang COVID positivity rate sa Metro Manila nitong December 17 kumpara sa 14.4 percent noong December 10.


Aniya, ibig-sabihin nito ay posibleng tapos na rin ang wave ng BQ.1 sa Metro Manila.

Samantala, tumaas naman ang positivity rate sa Bataan; Laguna; Zambales; at Misamis Oriental.

Kasunod nito, muling pinaalala ni David na sundin pa rin ang mga safety and health protocols sa gitna ng pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong-Taon.

Facebook Comments