Umaasa ang OCTA Research team na hindi magiging dahilan ang mga proclamation rallies at iba pang campaign activities para muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David na mahigpit nilang binabantayan ang mga datos.
Kung magpapatuloy aniya ang pagbaba ng trend, base sa kanilang projection ay nasa 3-digits na lamang ang maitatalang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa pagsapit ng Marso.
Sa kabila nito ay may nakikita pa rin silang mataas na average daily attack rate sa ibang rehiyon kabilang na ang Cordillera Administrative Region, Region 2 at Iloilo.
Posibleng dahilan aniya sa bahagi ng Norte ang malamig na panahon kung kaya’t nananatiling mataas ang kanilang average daily attack rate.