Nanawagan ang OCTA Research group, na makilahok sa gagawing Part 3 ng “Bayanihan, Bakunahan”.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David, na importante ang pagpapabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.
Mahalaga din ito upang unti-unti na tayong makabalik sa normal na pamumuhay kahit pa nananatili ang banta ng COVID-19.
Nabatid na target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 6M indibidwal sa ikatlong sigwada ng National vaccination days na magsisimula ngayong araw hanggang bukas.
Gagawin ito sa buong bansa para mahikayat ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na, gayundin ang mga due na ng kanilang 2nd dose at booster shots.
Prayoridad ang mga senior citizens at may comorbidities lalo na sila ang mga itinuturing na vulnerable population.