OCTA Research, hinimok ang pamahalaan na dahan-dahang luwagan ang restrictions para mas maraming tao ang mabakunahan

Hinikayat ng OCTA Research Group ang pamahalaan na maghanda sa unti-unting pagluluwag ng restrictions para mas maraming Pilipino ang mabakunahan laban sa COVID-19.

Inihalimbawa ni OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco ang Estados Unidos na nakakabalik na sa normal matapos mabakunahan ang populasyon nito laban sa COVID-19.

Bagamat hindi pa naaabot ang herd immunity, sinabi ni Austriaco na inalis na ng US Government ang mga face mask protocols sa mga mamamayan nilang fully vaccinated.


Sa paraang ito, nabibigyan ng pag-asa ang mga tao na magpabakuna.

Mahalaga ring bigyan ng insentibo ang mga nag-aalangan.

Bagamat bumababa ang bilang ng nagkakasakit sa COVID-19, nananatiling mataas ang kaso.

Nagbabahala rin ang OCTA Research sa mga malalakihang social gatherings dahil sa potensyal nitong kumalat pa ang sakit.

Facebook Comments