Nanawagan ang OCTA Research Group sa pamahalaan na dagdagan ang restrictions kung hindi pa rin bumaba ang COVID-19 reproduction rate kahit ipinatupad na ang bubble setup sa Metro Manila at iba pang lugar.
Batay sa pagtaya ng OCTA, ang daily COVID-19 cases sa bansa ay posibleng sumampa sa 10,000 sa katapusan ng Marso.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, kung hindi bumaba ang mga numero at nagluwag muli ng restrictions ay hindi babalik ang mga datos na naitala noong nakaraaang dalawang linggo.
Aniya, masyado pa kasing maaga para sabihin na gumagana ang ipinatutupad na GCQ bubble.
Nitong March 24, ang reproduction number sa Metro Manila ay bumaba sa 1.91 mula sa dating 1.99.
Facebook Comments