OCTA Research, ipinanukala ang 4-week MECQ upang mapababa ang hawahan ng virus

Isinusulong ng OCTA Research Group ang pagsasailalim sa apat na linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.

Tahasang sinabi ni Prof. Ranjit Rye na hindi nila nakikita ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng virus sa ilalim ng GCQ bubble.

Nakatitiyak ang OCTA Research na malaki ang maitutulong ng 4-week MECQ para maibaba ang tinatamaan ng virus.


Bagama’t aminado ang grupo na malaki ang epekto nito sa kabuhayan ng mga manggagawa, mas makabubuti ito alang-alang sa kalusugan ng publiko.

Magbibigay rin ito ng malaking tulong sa mga medical workers lalo pa at halos punuan na ang mga ospital.

Facebook Comments