Lumabas sa pag-aaral ng OCTA Research na maaaring bumaba mula sa 1.86 patungong 1.55 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula March 30 hanggang April 5, 2021 ay maaaring mababa ang pagkalat ng COVID-19 dahil na rin sa implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na karatig probinsya.
Aniya, sa ilang araw na pagpapatupad ng ECQ, may nakita na silang 1.4 na pagbaba sa reproduction number.
Batay sa projection ng OCTA, sinabi ni David na kung matutuloy-tuloy ang ECQ ay posibleng umabot sa 1.18 ang reproduction number sa period ng April 6 hanggang April 12, 2021.
Nabatid na bago magpatupad ng ECQ sa National Capital Region plus bubble ay nasa 2.05 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila.