Hindi pa rin maaaring ipagsawalang bahala ng publiko ang banta ng COVID-19 kahit tapos na ang holiday season.
Sa interview ng RMN Manila kay OCTA Research Fellow Dr. Michael Ty, bumaba ang naitatalang kaso dahil may ilang laboratoryo rin ang bumagsak ang isinasagawang testing.
Aniya, artificial pa lamang ang nakikitang resulta at hindi pa lumalabas ang holiday surge.
Iginiit din ni Dr. Ty na malaki ang tulong ng pagpapabakuna para mapalakas ang pangangatawan.
Bagamat hindi na mawawala ang virus, maliit na lamang ang magiging epekto nito sa mga nabakunahan na.
Batay sa survey na isinagawa ng OCTA mula December 9-13 sa 600 respondents, 25% ng residente sa Metro Manila lamang ang handang magpabakuna laban sa COVID-19, habang 75% ang may alinlangan, habang 28% ang walang balak magpabakuna.