OCTA Research, nakikitang bababa sa 2,000 ang daily COVID-19 cases sa NCR sa katapusan ng Mayo

Posibleng bumaba sa 2,000 ang kaso ng COVID-19 kada araw sa National Capital Region sa katapusan ng Mayo.

Ito ay kung ang reproduction number ay mapapanatiling mababa sa 0.8.

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Ranjit Rye, kasalukuyang nasa 0.83 ang reproduction number sa NCR mula sa dating 2 noong March surge.


Sa kasalukuyan, naitatala sa Metro Manila ang daily average na nasa 3,144 cases mula sa 5,500 cases noong Marso.

Pero sinabi ni Rye na malayo pa ang kailangang lakbayin ng NCR bago talaga bumaba ang kaso.

Bumubuti na rin ang hospital capacity sa NCR na nasa 56-percent pero ang intensive care unit (ICU) beds ay nananatiling puno.

Kailangang palakasin ang testing, tracing, isolation, expanding treatment.

Bukod dito, mahalaga ring paigtingin ang kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng pribadong sektor, civil society, at local at national government.

Paalala muli ng OCTA sa publiko na sundin ang minimum public health standards.

Facebook Comments