OCTA Research Team, hindi nababahala sa naitatalang healthcare utilization rate sa kabila ng pagtaas sa positivity rate ng COVID- 19

Sa kabila ng pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa bansa na naitala ng OCTA Research Team, ngayon na 17.5% mula sa 15% noong isang linggo, hindi naman ito nagreresulta sa pagkapuno ng mga ospital.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Guido David na may ilan lamang sa mga lalawigan ang may konting pagtaas ng hospital utilization rate, tulad ng Iloilo at Lucena.

Sa Metro Manila aniya ay nasa 37% lamang ang hospital utilization rate hindi pa umaabot sa benchmark ng World Health Organization na 50% para maging rason ng pagkabahala.


Sa katunayan aniya bumaba pa ang growth rate na naitala sa 8% sa Metro Manila mula sa dating 14%, habang nasa 1270 ang naitalang 7 day average cases.

Facebook Comments