Iginiit ng OCTA Research Team na dapat unahin ang paggulong ng COVID-19 vaccination program sa bansa kaysa paluwagin ang quarantine restrictions sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Reseach Fellow Dr. Guido David, masyado pang maaga para isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila dahil hindi pa nababakunahan ang publiko.
Aniya, mas mabilis na makaka-recover ang ekonomiya sa oras na mabakunahan na ang mas maraming Pilipino.
Hindi rin dapat magkaroon ng pagsirit sa kaso ng COVID-19 habang gumugulong ang vaccination program sa bansa.
“Unahin muna ‘yun. We understand the concern on economy, but it will recover more quickly once we vaccinate more people” ani David.
Facebook Comments