OCTA Research team, nakahanap ng kakampi sa Kamara

Kinampihan ng isang kongresista ang OCTA Research group sa harap na rin ng isinusulong na imbestigasyon laban sa kanila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Mariing tinututulan ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang inihaing resolusyon ng mga kasamahang mambabatas na nagpapasilip sa OCTA Research Philippines.

Iginiit ni Rodriguez na pagsasayang lang ng pondo ito sa panig ng Kamara at abala lamang sa trabaho ng OCTA.


Kung tutuusin ay dapat pa nga aniyang ikonsiderang mga bayani ang mga miyembro ng OCTA Research team na binubuo ng mathematicians at health professionals.

Katuwiran pa nito, sa halip na hanapan ng butas ay dapat pa ngang suportahan ang grupo para maipagpatuloy ang kanilang ginagawa na malaki ang naitutulong sa bansa ngayong may health crisis.

Kumbinsido rin si Rodriguez na tama at suportado ng mga datos ang findings ng OCTA tungkol sa COVID-19 cases at patunay aniya rito ang pagiging una ng grupo sa pagbibigay babala sa pagtaas ng kaso ng impeksyon sa Metro Manila kabilang ang Cagayan de Oro.

Facebook Comments